Suportado ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang isinusulong na limang araw na ‘Mental Health Wellness Leave’ ngayong pandemya.
Ayon kay Dra. Magnolia Brabante, DOH-CHD1 Mental Health Coordinator, nasa 57% ng mga manggagawa sa Region 1 ang nakakaranas ng mental health issues na nasa edad 25- 54.
Umapela ito sa mga kinauukulan na sana ay mapagbigyan ang mga manggagawa sa nasabing panukala dahil may mga pagkakataon na nakakaranas sila ng ‘burnout’.
Sinabi ni Dra. Brabante mas magiging produktibo ang mga ito sa kanilang trabaho sakali mang maaprubahan.
Samantala, hinikayat ni Brabante ang mga indibidwal na nakakaranas ng mental health issues na magpakonsulta sa mga hospital sa rehiyon gaya ng Region 1 Medical center sa Dagupan City, Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City and Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac Ilocos Norte.###