DOH-CHD1, TINIYAK NA SAPAT ANG SUPLAY NG BAKUNA SA 3 DAY NATIONAL VACCINATION DRIVE

HANDA na ang Department of Health-Center for Health Development 1 sa isasagawang National Vaccination Drive o ang Bayanihan Bakunahan ngayong araw.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang DOH-CHD1 Information Officer target na mabakunahan ang 700, 000 na indibidwal sa rehiyon sa tatlong araw na pagbabakuna.
Aniya, sapat ang suplay ng bakuna na gagamitin sa bayanihan bakunahan kung saan maaga nang naibaba ito sa mga implementing units.

Nakapag apruba na rin ang DOH-CHD1 ng 667 na volunteers bilang vaccinators at 727 na encoders na sasali sa nasabing vaccination drive sa buong Ilocos Region.


Dagdag ni Dr. Bobis, maaaring mag walk-in ang isang indibidwal sa 3-day national drive ngunit paalala ng ahensya na sumunod sa minimum public health standard upang hindi ito pagmulan ng pagkalat ng COVID-19. *###*

Facebook Comments