Naghahanda na ang Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED) at ilang Unibersidad para sa pagtulong sa vaccination program ng pamahalaan.
Kasama rito ang mga bagong graduate na nursing, medical technologist maging ang post-graduate medical interns.
Pero paglilinaw ni Cinderella Jaro, Executive Director ng CHED na boluntaryo ito at kailangang may consent ng parehong estudyante at magulang.
Ang mga volunteer student o interns ay maaaring tumao sa mga registration, magsilbing bakunador, health screener o mag-monitor sa post-vaccination area.
Responsibilidad naman ng mga Local Government Units (LGUs) at ng mga paaralan na tiyakin ng kaligtasan ng mga magbo-volunteer.
Sa ngayon, kailangang miyembro ng PhilHealth ang volunteers dahil covered nito ang gastusin sakaling mahawa sa COVID-19.