DOH: COVID-19 testing center sa Pilipinas, nasa 26 na!

Umabot na sa 26 ang COVID-19 testing centers sa Pilipinas.

Ito’y matapos bigyan ng Department of Health (DOH) ng accreditation ang dalawang pasilidad.

Ayon sa DOH, ang Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital at Eastern Visayas Regional Medical Center ay sinertipikahan para sa independent COVID-19 testing.


Ang JB Lingad Testing Center ay kayang i-akyat ang testing capacity ng bansa sa 9,500 mula sa higit 7,000.

Sa huling datos ng kagawaran, nasa 149,640 na indibidwal ang isinalang sa COVID-19 test, kung saan 90% ang negatibo habang 10% ang nagpositibo.

Hindi pa kasama sa bilang ang datos mula sa tatlong pribadong laboratoryo.

Nasa 90 laboratoryo ang sumasailalim sa five-step laboratory certification processes.

Facebook Comments