Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Health (DOH) na magpalabas ng protocol o guidelines para sa mga katulad niya na gumaling na mula sa COVID-19.
Paliwanag ni Zubiri, dapat maging maliwanag kung kailan at ilang beses dapat magpasuring muli ang mga naka-recover na sa COVID-19 at ano ang panuntunan kapag lumabas sa kanilang test na sila ay positibo muli sa virus.
Layunin ng mungkahi ni Zubiri na hindi dumanas ng diskriminasyon at labis na takot at pangamba kapag muling nagpositibo sa COVID-19 test ang isang naka-recover na katulad ng sinapit niya.
Tinukoy ni Zubiri na base sa mga eksperto at resulta ng pag-aaral, ang pagiging positibo muli ng mga gumaling na pasyente ay dahil sa na-detect sa kanila na remnants na lang ng virus.
“The DOH should be more prudent in testing and releasing the result of recovered patients. Should they have their tests after a certain period, say 2 or 3 months? Are those repetitive tests necessary for recovered patients, if these will certainly turn out to be false-positive? Imagine the anxiety and mental anguish such a false-positive result will bring to the recovered patient, his family, and the people he interacted with. That’s why the DOH must come out with the right protocols dealing with recovered patients, so they won’t be discriminated against in the future.” – Senate Majoriy Leader Juan Miguel Zubiri.