Ipinaalala ni Senator Koko Pimentel sa Department of Health o DOH ang kahalagahan na magkaroon ng protocols para sa mga manganganak na positibo sa COVID-19.
Diin ni Pimentel, ang mga buntis ay isa sa mga delikadong tamaan ng coronavirus kaya dapat silang mabigyan ng hustong medikal na atensyon mula sa mga eksperto.
Giit ni Pimentel, dapat mayroong nakalatag ng game plan para sa mga COVID-19 positive mothers-to-be na labis na nag-aalala sa patuloy na pagkalat ng virus ngayon at sa kanilang panganganak.
Ipinaliwanag ni Pimentel na dapat kasama sa protocols ang maagang pagtukoy sa lugar o delivery area at ang team ng mga heroic doctors at mga nurse na may sapat at tamang equipment na mag-aasikaso sa mga buntis.
Facebook Comments