DOH, dapat manahimik at makipagtulungan na lamang sa imbestigasyon

Nagbabala si Ombudsman Samuel Martires sa isang hindi pinangalanang opisyal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Martires, nabanggit ng nasabing health official na hindi nila nagagawa nang maayos ang kanilang tungkulin dahil sa mga dokumentong hinihiling ng Ombudsman sa imbestigasyon nito sa mga pagkukulang ng DOH sa pagtugon sa COVID-19.

Nagbanta si Martires na huwag silang sisihin sa kanilang pagkukulang.


Para kay Martires, maaaring sibakin ng isang opisyal ang mga tauhan nitong hindi mapagkakatiwalaan.

Ipupursige ng Ombudsman ang imbestigasyon nito, na sinimulan na bago pa ang lockdown.

Nakiusap nalang si Martires sa DOH na manahimik at makipagtulungan na lamang sa imbestigasyon.

Una nang sinabi ng DOH na tatalima sila sa lahat ng direktiba ng Ombudsman.

Facebook Comments