DOH, dinadagsa ng mga reklamo sa overpricing sa Remdesivir

32

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng Depatment of Trade and Industry (DTI) na umaabot na ng 50 ang reklamo na kanilang natanggap hinggil sa overpricing sa Remdesivir na gamot kontra COVID-19

Ayon kay Dr. Melissa Guerrero ng DOH, batay sa reklamo umaabot ng hanggang 30 thousand pesos ang kada vial ng Remdesivir gayung makukuha lamang ito sa India ng dalawa hanggang tatlong libong piso.


Bagama’t sinabi ni Dr. Guerrero na may naparusahan na ang Food and Drug Administration (FDA), hindi naman nito masabi kung may kinalaman ito sa presyuhan ng Remdesivir o iba pang investigation drug.

Sa panig naman ng DTI, sinabi ni Undersecretary Ruth Castelo na inaalam muna nila kung saan galing ang supply ng gamot at magkano ang kuha rito para malaman kung may overpricing.

Facebook Comments