DOH, dinedma si Retired UP-Manila Professor Dr. Romeo Quijano sa usapin ng COVID-19 vaccine

Dinedma lang ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang mga pahayag ni Retired UP-Manila College of Medicine Professor Dr. Romeo Quijano na mas delikado pa ang COVID-19 vaccine kaysa sa mismong virus.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Duque na sa dami ng kanyang ginagawa ay wala na siyang oras para pakinggan ang mga sinasabi ng isang anti-vaxxers na tulad ni Quijano.

Ayon kay Duque, malinaw na ang bakuna lang ang susi upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng publiko at batay na rin sa mga pag-aaral ay napakababa ang naitatalang adverse event nito.


Una nang sinabi sa interview ng RMN Manila ni Food and Drug Administration Chief Eric Domingo na dumaan sa masusing pag-aaral ang mga COVID-19 vaccine na itinurok sa publiko.

Apela ng opisyal sa taong bayan, suriing mabuti ang mga impormasyong nababasa tungkol sa bakuna.

Facebook Comments