DOH, dismayado sa Kongreso sa tila pagdedma sa kanila!

Dismayado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Kongreso sa tila pagbalewala sa pagpapaliwanag ng health department sa pagka-antala ng Special Risk Allowances (SRA) at benefits ng mga health workers.

Sinabi ni Duque na paulit-ulit na lang nila itong ipinapaliwanag sa Kongreso ngunit parang hindi sila pinakikinggan.

Giit ni Duque, dokumentado at hindi nakabinbin ang pondo sa kwestyonableng allowances ng mga medical frontliners.


Ang DOH Regional Offices aniya ang nangangasiwa rito na ipinapadala naman sa mga ospital na siyang nagbibigay ng mga health workers.

Kaya naman umaasa ang kalihim na maliliwanagan na ang Kongreso sa darating na imbestigasyon nila hinggil sa nasabing usapin.

Facebook Comments