Pinalakas ng Department of Health – Drug Treatment and Rehabilitation Center (DOH-DTRC) Dagupan at IFM Dagupan ang kanilang ugnayan upang paigtingin ang mga adbokasiya laban sa ilegal na droga.
Kahapon, bumisita si DOH-DTRC Dagupan Chief Program Officer Raymund Basbas sa himpilan ng IFM Dagupan upang talakayin ang pakikipagtulungan sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay Basbas, malaking tulong ang pakikipag-ugnayan sa IFM Dagupan upang maiparating sa mas maraming mamamayan ang mga programa at aktibidad na isasagawa ng DOH-DTRC sa nalalapit na Drug Abuse Prevention and Control Week sa susunod na buwan.
Ipinahayag naman ng pamunuan ng Radio Mindanao Network (RMN) at IFM Dagupan ang kanilang suporta sa inisyatiba, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng kanilang mga programa para sa kaalaman at kaligtasan ng publiko.









