DOH, dumepensa sa paratang ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa hindi pagpapasweldo sa mga nurse na pinadala sa probinsya para sa COVID patients

96

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay ng tweet ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero sa hindi pagpapasweldo sa health care workers sa kanilang probinsya.

Sa tweet ni Escudero, sinabi nito na nagbigay ang DOH ng labing-isang nurse sa kanilang ospital para sa COVID-19 response.


Gayunman, dalawa lamang sa mga ito ang sumuweldo para sa dalawang buwan gayung limang buwan silang nagtrabaho.

Siyam din na iba pang mga nurse ang hindi nakakasweldo sa kabila nang mahigit isang buwan silang nagtrabaho.

Dahil dito, isa na lamang ang natirang nurse sa kanila dahil ang lahat ay walang nakuhang anumang benepisyo.

Sinabi naman ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na tinawagan na ng DOH ang regional director nila sa Bicol at ang kanilang finance officers sa Sorsogon para malaman kung bakit hindi napapasweldo ang mga nurse na nag-aalaga sa COVID patients.




Facebook Comments