DOH, dumipensa sa pagsama ng local chief executives sa A1 vaccine priority group

Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa pagsama sa local chief executives sa A1 priority group sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang hakbang ay napagkasunduan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

Kailangang ikonsidera ang mga local chief executives partikular ang mga gobernador at mga alkalde dahil sila ay madalas na na-e-expose sa COVID-19 at bahagi ng response teams.


Naniniwala si Vergeire na ang pagpapabakuna ng mga local chief executives ay makakatulong sa pagpapalakas sa kumpiyansa sa COVID-19 vaccines.

Punto pa ni Vergeire, ang vaccine supply situation sa kasalukuyan ay iba kumpara noong nakaraang Marso.

Hinimok ni Vergeire ang publiko na magpabakuna kapag dumating na ang kanilang pagkakataon.

Facebook Comments