DOH emergency responders mula sa iba’t ibang rehiyon, tumutulong na rin sa mga lugar na hinagupit ng bagyo

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na rumesponde na rin sa evacuation centers ang mga kinatawan ng DOH Health Emergency Response Team mula sa iba’t ibang rehiyon.

Ito ay para magbigay ng kaukulang medical interventions sa mga nangailangang lugar matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Bukod sa hygiene kits, iba’t ibang klase ng mga gamot at konsultasyon ang ibinibigay sa evacuees matapos ang initial assessment sa kanila sa evacuation centers.


Tiniyak naman ng DOH na may sapat silang supply ng disinfectants, chlorine granules, at aquatabs para mapanatili ang personal hygiene at access ng mga evacuees sa malinis na tubig at sanitation.

Bukas naman, 24/7 ang ilang local emergency operations center at patient navigation referral units para ma-monitor ang ilan pang lugar sa mga rehiyon na mangangailangan pa ng karagdagang tulong.

Pinapayuhan naman ng DOH ang mga nasa evacuation center na palaging maghugas ng kamay para maiwasan ang hawaan ng sakit at kung may ubo at sipon ay mabuting gumamit ng face mask.

Facebook Comments