
Personal na nagpasalamat si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa mga Barangay Health Workers (BHW) kasabay ng pagdiriwang ng Health and Wellness Day.
Binigyang-pagpupugay ng kalihim ang dedikasyon at patuloy na serbisyo ng mga BHW bilang mahahalagang katuwang ng DOH sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Nasa 300 BHW ang nabigyan ng basic health check-ups at screening para sa diabetes at hypertension, tuberculosis, at HIV.
Tampok din sa programa ang iba’t ibang wellness at relaxation activities, kabilang ang Zumba, bilang pagkilala at pasasalamat sa sakripisyo ng mga tinaguriang frontliners sa barangay level.
Facebook Comments









