Handa na ang Department of Health (DOH) na isapubliko ang pondong ginastos ng DOH sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Officer- in-Charge Maria Rosario Vergere na nakahanda na ang kanilang kumpletong dokumento ng lahat ng mga naging transaksyon ng pamahalaan sa pagbili ng COVID vaccines.
Aniya, isusumite nila sa Commission on Audit (COA) ang naturang mga dokumento sakaling hingiin ito ng COA.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire na mayroon silang non-disclosure agreement na isa sa mga nilalaman ng kontrata nang bumili ang gobyerno ng mga bakuna.
Una nang kinuwestyon ng Senado ang kabiguan ng COA na magsagawa ng pag-audit sa mga ginastos ng pamahalaan sa pagbili ng mga bakuna.
Facebook Comments