Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang kanilang hanay sa anumang uri ng sakit na maaring pumasok sa bansa.
Pahayag ito ng DOH matapos iulat ng World Health Organization (WHO) na dapat na maghanda ang buong mundo sa disease ‘X’ na maaring mauwi sa pandemya.
Ayon kay DOH Deputy Spokesman Assistant Secretary Albert Domingo, mayroon nang sistema ang Pilipinas dahil sa nangyaring pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Domingo, mayroon nang joint external evaluation na ginawa ang DOH noong 2018 kung saan nakapasa na sa pamantayan ng WHO.
Maaari aniyang palakasin na lamang ito pati na ang pagsasagawa ng biosurveillance.
Nakabantay na aniya ngayon ang DOH sa posibleng alarm sign sa panibagong uri ng sakit na maaaring tumama sa bansa.
Paalala ng DOH, patuloy na pag-iingat. Kung inuubo, magsuot ng face mask, maghugas ng kamay, at panatiling malakas ang katawan.