DOH, handa sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season

Nananatiling manageable ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, bagama’t hindi na magze-zero ay hindi rin nila nakikitang papalo muli ang kaso ng COVID-19.

Bukod kasi sa marami na ang nabakunahan ay patuloy din ang pag-iingat ng mga tao upang hindi mahawaan ng virus.


Pero pagtitiyak ni Vergeire, handa ang DOH sakaling tumaas ang kaso pagkatapos ng holiday season.

Ayon kay Vergeire, 28 percent na mas mababa ang mga kaso ngayon kumpara noong Enero kung saan umaabot sa 35,000 ang arawang kaso dahil sa Omicron.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna ng pamahalaan kahit holiday.

Facebook Comments