DOH, handang humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa alegasyon ng korapsyon

Handa ang Department of Health (DOH) na humarap sa anumang imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon.

Sa statement, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na nananatili silang transparent at cooperative pagdating sa auditing efforts.

Ikinalulungkot nila ang mga walang basehang akusasyong ibinabato ng ilang opisyal ng pamahalaan.


Tiniyak ni Duque na sasagutin nila ang lahat ng tanong ng mga mambabatas bilang bahagi ng check and balance ng pamahalaan.

Iginiit ni Duque na siya ay “champion” ng good governance at ang DOH ay palaging transparenct pagdating sa paggamit ng pondo.

“While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, we submit ourselves to inquiries from legislators as this is a part of the checks and balances in our government,” sabi ni Duque.

Handa rin ang DOH na magpakita ng mga kinakailangang dokumento kung saan napupunta ang vaccine loans.

“Ang utang po natin para sa bakuna ay naipaliwanag na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing — ang inutang na pondo ay diretsong napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency,” dagdag pa ni Duque.

Binigyang diin din ng DOH na kailangan nilang gamitin ang mga pondo para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, maging sa patuloy na paghahatid ng health services habang rumeresponde sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang nanawagan si Senator Manny Pacquiao sa pamahalaan na imbestigahan ang DOH hinggil sa pagbili ng rapid test kits, personal protective equipment, masks at iba pa.

Facebook Comments