DOH, hihigpitan ang bentahan at paggamit ng e-cigarette at vape

Maglalabas ng Administrative Order (AO) ang Department of Health (DOH) sa sunod na buwan para umano higpitan ang pagbebenta at paggamit ng e-cigarette at vape.

Rason ng DOH, walang ebidensya na makatutulong ang e-cigarette at vape sa mga taong nais nang tumigil sa paninigarilyo.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng ahensya, Usec. Eric Domingo, may laman pa ring nicotine ang mga ito kaya’t magtutuluy-tuloy pa rin ang adiksyon dito.


Aniya irereport sa Food and Drugs Administration (FDA) ang content ng e-cigarette at vape, at ipagbabawal ang pagbebenta, pag-aadvertise, at ipagbabawal din ang packaging at flavors na kahuhumalingan ng mga bata.

Bukod dito, irerekomenda rin daw ng ahensya sa Kongreso ang pagpapabilang ng e-cigarette at vape sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax Law.

Pansamanta, idudulong muna aniya ng ahensya sa kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang e-cigarette at vape sa Executive Order 26 na naghihigpit sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments