Hihingi ng tulong ang Department of Health (DOH) sa mga obstetrics at gynecology sa bansa para sa pagpapabakuna sa mga buntis, oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kasunod ito ng sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi inirerekomendang bakunahan ang mga buntis gamit ang bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Sa nasabing konsultasyon, hihingi ng payo ang DOH kung ano ang posisyon ng obstetrics at gynecology para malaman kung anong klaseng bakuna ang maaaring ibigay sa mga buntis.
Matatandaang una nang sinabi ng WHO na high-risk ang posibleng pagkahawa sa COVID-19 ng mga buntis kumpara sa mga non-pregnant woman.
Facebook Comments