DOH, hindi inaalis ang posibilidad na umabot ng 100,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto

Tinanggap ng Department of Health (DOH) ang pagtaya o projection ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na posibleng umabot ng 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Agosto.

Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may ilang factors ang maaaring nakakaapekto sa scientific models na ginagamit para makabuo ng ganitong assumption.

Iginiit ni Vergeire na maingat nilang ipinapaliwanag kapag mayroong mga ganitong pagtaya.


Aniya, tinatanggap ng DOH ang mga ganitong kalkulasyon at pinakikinggan sila.

Para hindi maabot ang nasabing projection, hinihimok ng DOH ang publiko na gawin ang nararapat para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ang 100,000 COVID-19 cases projection ay pagtaya nina Guido David ng UP Institute of Mathematics at Ranjit Rye ng UP Department of Political Science.

Facebook Comments