Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng antigen tests para sa screening ng mga dadalo ng party.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nagiging accurate ang resulta ng antigen kapag ang isang tao ay may sintomas ng COVID-19.
Dagdag pa ni Vergeire, posible lamang itong magbigay ng false positive o false negative na resulta.
Aniya, mas mainam pa rin ang self-assessment at ang pagsusuot ng face mask upang mapigilang kumalat ang sakit.
Facebook Comments