DOH, hindi inirerekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, walang pruweba na mabisa ang gamot laban sa virus.

Ang Ivermectin ay ginagamit para lamang sa maraming uri ng parasite infestations sa mga tao at hayop.


Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na ang anti-flu drug na Avigan, at ang anti-Ebola medicine na Remdesivir ay nananatiling available para magamit ng ilang piling COVID-19 patients.

Sabi ni FDA Director General Eric Domingo,  ang Avigan ay ginagamit sa nagpapatuloy na clinical trials para sa mild at moderate cases na nasa mga ospital.

Ginagamit naman aniya ang Remdesivir para sa mga pasyenteng may severe COVID-19 case.

Ang FDA ay patuloy na mag-iisyu ng compassionate special permits sa mga ospital para magamit ang mga nasabing gamot.

Facebook Comments