Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng vape bilang alternatibo sa sigarilyo.
Lalo at inaasahang dadami ang mga gagamit ng vape dahil sa plano ng gobyernong taasan ang sin taxes.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – ang vape ay hindi mainam na pamalit sa tobacco.
Aniya, naglalaman pa rin ito ng nicotine at nakaka-adik.
Sinabi pa ni Domingo – walang vape manufacturers ang naka-rehistro sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ngayon, may nakabinbing panukalang batas sa Kongreso na layong i-regulate ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng vape.
Facebook Comments