DOH, hindi irerekomenda ang pagbabalik ng online classes sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Hindi irerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagbabalik ng online classes sa mga paaralan sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, alam na rin naman ng local government units ang kanilang gagawing pagtugon sa pagtaas ng kaso ng infection.

Maging ang mga paaralan aniya at establishments ay nakahanda na rin sa mga ganitong senaryo.


Nanindigan din si Vergeire na nakahanda rin ang mga ospital sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magugunitang ilang mga paaralan ang nagsuspinde ng face-to-face classes ng halos isang linggo nitong Mayo dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments