Hindi nakikita ng Department of Health (DOH) na epektibo ang paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na base sa mga ginagawang pananaliksik at pag-aaral ng mga eksperto sa ibang bansa, walang matibay na ebidensya na nakagagamot ng COVID ang Ivermectin.
Ayon kay Duque, hindi nalalayo ang resulta ng pag-aaral ng ating technical advisory group of experts.
Ani Duque, tanging ang parasitic infection lamang ang kayang gamutin ng Ivermectin.
Dahil dito, wala silang matibay na basehan para aprubahan bilang gamot sa COVID-19 ang Ivermectin.
Sa ngayon, ang Ivermectin ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang gamot laban sa mga bulate sa hayop, bagama’t may akmang formulation din ito para patayin ang bulate sa katawan ng tao.