DOH, hindi muna ipapagamit sa mga senior citizen ang COVID-19 vaccine ng kompanyang Sinovac

Inihayag ng Department of Health na hindi muna nila gagamitin sa mga senior citizen ang COVID-19 vaccine ng kompanyang Sinovac.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kailangan muna nilang makita ang resulta ng clinical trial ng Sinovac bago amyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA) na magbibigay pahintulot na gamitin ito sa mga matatanda.

Pero sa ngayon, aniya, hindi pa nito pinapasa sa FDA ang karagdagang ebidensya na magpapatunay na ligtas ito sa mga senior citizens.


Tiniyak din ni Vergeire na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Sinovac dahil ubos na rin ang suplay ng AstraZeneca vaccines sa bansa.

Facebook Comments