DOH, hindi muna magrerekomenda ng travel restrictions sa mga bansang mayroong South African COVID variant

Wala pang plano ang Department of Health (DOH) na magrekomenda ng travel restrictions sa mga bansang mayroong kumpirmadong kaso ng South African variant ng COVID-19.

Noong February 1, nagpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions sa 36 na bansa na mayroong kaso ng United Kingdom COVID variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa silang nakikitang dahilan para maghigpit.


Iginiit din ni Vergeire na hindi naman kailangan palaging naka-lockdown o isolated ang Pilipinas.

Masyado ng ‘irrational’ kung magpapatupad pa ang bansa ng restrictions.

Para mapigilan ang pagpasok ng variant, mahalagang mahigpit na ipatupad ang quarantine, isolation, at testing protocols.

Facebook Comments