DOH, hindi na nakakapagtala ng bagong COVID cases sa visayas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bagama’t may bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila, nag-plateau na ang ilang bahagi ng Visayas.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, wala silang naitatalang bagong kaso ng infection sa ilang lugar sa Kabisayaan.

Inihayag din ni Vergeire na patuloy na nababawasan ang severe at critical na kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nananatili rin aniyang mababa ang bilang ng mga naoospital at nadadala sa intensive care unit dahil sa COVID-19.

Facebook Comments