Walang inaasahang pagsipa ng COVID-19 cases sa Pilipinas sa Hunyo o Hulyo.
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kasunod ng pahayag ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na may inaasahang pagtaas ng kaso ang pamahalaan sa kalagitnaan ng taon.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng nagpaalala lamang si Sec. Galvez sa mga hakbang na maaaring gawin ng bansa sakaling sumirit muli ang kaso ng COVID-19.
Aniya, ginagawa naman ng pamahalaan ang ilang paghahanda tulad ng pagpapalawig ng kapasidad sa mga ospital, dagdag na healthcare workers at gamit sa mga pagamutan.
Tiniyak din ni Vergeire na ang mga paghahandang ginagawa ng gobyerno ay hindi para lang sa kasalukuyang sitwasyon kundi sa kahit anong posibleng mangyari.
Dagdag pa nito, wala pang pagtataya ang DOH tungkol sa posibleng bilang ng COVID-19 cases sa bansa pagdating ng Hunyo at Hulyo.