Hindi pa inirerekomenda ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng travel restrictions sa harap ng banta ng Monkeypox virus.
Gayunman, inihayag ng DOH na itinuturing nilang notifiable disease ang Monkeypox virus, kung saan nangangahulugan ito na ang lahat ng pasyente at kaso nitong under investigation ay kailangang i-report sa Epidemiology Bureau at sa RESUs o Regional Epidemiology and Surveillance Units.
Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang departamento sakaling magkaroon ng Monkeypox outbreak sa bansa.
Kabilang na rito ang pagpapatupad ng isolation at quarantine.
Ayon naman kay Dr. Beverlo Ho, hindi pa kailangan ngayon ang malawakang pagbabakuna laban sa Monkeypox.
Tiniyak din ni Ho na may 4-door strategy na pinaiiral ang DOH sa mga pasaherong papasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng Monkeypox at COVID-19 variants.
Ayon pa kay Ho, inihahanda na rin nila ang healthcare workers hinggil sa kung paano tutugunan ang Monkeypox virus.
Kinumpirma naman ni Dr. Marissa Alejandria na ang Chickenpox ay hindi kasing-bilis ng COVID-19 na makahawa at makakatulong aniya ang Smallpox vaccine para maiwasan ang naturang sakit.