Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi na nila inirerekomenda ang pagsuspinde ng klase sa mga paaralan sa gitna ng banta ng novel coronavirus.
Ito ay matapos magsuspinde ng klase kahapon ang ilang Chinese-Filipino school sa Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – wala pa sa kanilang interim guidelines sa ngayon ang pagkakansela ng klase.
Aniya, wala pang abiso mula sa World Health Organization (WHO) para gawin ito.
Pero nilinaw naman ni Education Secretary Leonor Briones – na may awtonomiya o kalayaan ang mga pribadong eskwelahan na magsuspinde ng klase.
Facebook Comments