DOH, hindi pa masabi kung papayagan ang Christmas parties sa Disyembre

102

Hindi pa masabi ng Department of Health (DOH) kung mapapayagan na ang pagsasagawa ng Christmas parties sa Disyembre.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay nakadepende pa rin kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Nilinaw pa ni Vergeire na may posibilidad na magkaroon pa rin ng hawaan ng infection sa mga pagtitipon.


Aniya, sakop ang mga Christmas party sa paghihigpit bilang bahagi ng patakaran sa 3C o crowding, closed contacts at ang enclosed o kulon na pagdarausan ng pagtitipon.

Facebook Comments