Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, posibleng hindi pa rin ibaba ang umiiral na alert level 4 status sa National Capital Region.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na kinakailangang pang tignan ang health care utilization rate, positivity rate at Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Metro Manila.
Samantala, dedma naman si Duque sa inilabas na report ng news magazine na Nikkei Asia hinggil sa pagiging kulelat ng Pilipinas sa COVID-19 recovery.
Batay sa Nikkei Asia, nasa 121 na pwesto ang Pilipinas sa COVID-19 recovery index kung saan nangunguna ang ,Malta, isang bansa sa Europa.
Facebook Comments