DOH, hindi pabor sa paggamit ng 3rd at 4th doses bilang booster shots sa COVID

Tutol pa rin ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng 3rd at 4th doses bilang booster shots sa COVID-19.

Hindi rin pabor ang DOH sa paghahalo ng magkakaibang brand ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ito ay dahil sa patuloy pang pinag-aaralan ng DOH at mga eksperto ang kaligtasan at bisa nito


Bukod dito, kulang pa aniya ang supply ng bakuna.

Maging ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay hindi pa rin posible dahil inuuna pa aniya ang mga nasa vulnerable sector.

Kabilang dito ang mga nakatatanda o A2 group, mga may sakit o comorbidity na bahagi ng A3 at ang medical frontliners.

Facebook Comments