Aminado ang Department of Health (DOH) kung hanggang kailan magtatagal ang COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, walang silang tiyak na panahon kung kailan matatapos ang pagkalat ng nasabing virus.
Payo ni Vergeire, sundin ang preventive measures na ipinatutupad sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) tulad ng social distancing.
Gayunpaman, hindi pa rin inaalis ng DOH ang posibilidad na tumagal pa ang pagkalat ng COVID-19 kung hindi naipapatupad nang maayos ang mga hakbang sa ECQ.
Sa huling datos, aabot sa kabuoang bilang na 462 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aabot naman sa 33 ang namatay habang nasa 18 ang gumaling.
Facebook Comments