DOH, hindi tiyak kung sapat na ang one-week ECQ extension

Hindi pa masabi ng Department of Health (DOH) kung sapat na ang isang linggong extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa “NCR Plus” para matugunan ang COVID-19 surge sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, linggu-linggo nilang i-a-assess ang sitwasyon para makita kung maaari nang luwagan ang quarantine restrictions pagkatapos ng April 11.

Sa ngayon, ayon kay Vergeire, umaabot sa average na 6,695 ang COVID-19 daily cases sa bansa.


Bukod sa pagtaas sa naitatalang bagong kaso kada araw, tumataas din ang positivity rate na aniya’y resulta ng mabilis na pagkalat ng virus at mababang testing capability.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit, inamin na vergeire na overcrowded na ang mga ospital partikular ang mga intensive care unit (ICU).

Kaugnay nito, naghahanap na ang DOH ng mga tamang pasilidad kung saan maaaring dalhin ang mga mild at asymptomatic COVID-19 cases nang sa gayon ay mabawasan ang bilang ng pasyente sa mga ospital.

Facebook Comments