Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga medical professionals na mag-apply para sa kanilang emergency hiring program para tumulong sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang DOH ay naghahanap ng higit 2,600 healthcare workers sa ilalim ng emergency hiring program.
Nasa 10,693 openings para sa mga doktor, nurse at iba pang healthcare workers.
Nasa 43% na na-hire ay idineploy sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng DOH, 17% ang ipinadala sa mga laboratory o COVID-19 diagnostics facilities, 15% ang inilagay sa isolation at quarantine facilities o temporary treatment at monitoring facilities, 12% sa Local Government Units at iba pang ospital, 7% naman sa COVID-19 referral facilities.
Nagpapasalamat si Duque sa mga magigiting na health workers na patuloy na dinidinig ang mga panawagang makapagsilbi at protektahan ang mga pasyente.
Mula nitong August 12, nakapag-hire na ang DOH ng nasa 8,056 health workers.