DOH, hinihikayat ang mga magulang na magkaroon ng quality time sa mga anak

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na magkaroon ng quality time sa kanilang mga anak para maprotektahan ang kanilang mental health ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang matutukan ang mga bata ngayong pandemya dahil mas bugnutin ang mga ito kaysa sa mga matatanda.

Importante aniyang may pinagkakaabalahan ang mga bata.


Dapat ding ipanunawa ng mga magulang sa kanilang mga anak kung bakit kailangan nilang manatili sa loob ng bahay.

Maliban sa schooworks, dapat bigyan din ng mga magulang ang mga bata ng iba pang fun activities.

Facebook Comments