Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa iba’t ibang ospital na itaas ang COVID-19 dedicated beds at oxygen supplies kasunod ng pagkaka-detect ng local infections ng Delta variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang palakasin ang healthcare system ng bansa.
Dapat ding magkaroon ng imbentaryo ng oxygen supply at magkaroon ng preposition ng logistics tulad ng gamot at iba pang medical supplies na kakailanganin ng mga ospital.
Ang Local Government Units (LGUs) ay inatasang magpatupad ng mahigpit na protocols laban sa COVID-19.
Patuloy na binabantayan ang sitwasyon sa Western Visayas, Davao Region, Cordillera, CALABARZON, Bicol, Soccsksargen, at Caraga.
Sa kabuoan, aabot na sa 35 ang kaso ng Delta variant sa bansa, kung saan 32 ang gumaling, subalit dalawa sa kanila ang namatay.
Patuloy na kinukumpirma ng DOH ang health status ng isa pang pasyente.