DOH, hinihimok ang civil society sector at advocates na tulungan sila na huwag maipasa ang Vape Bill

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga civil society sector at advocates na tulungan silang mangampanya laban sa kontrobersyal na Vape Bill na maaaring maipasa bilang batas sa papasok na administrasyong Marcos.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang kanilang kampanya kasama ng ibang ahensya ng gobyerno laban sa Vape Bill na naglalayon padaliin ang access at paluwagin ang regulasyon sa mapanganib na produkto lalo na sa mga kabataan.

Naniniwala sila na kapakanan ng mga kabataan ang nakasalalay dito kung saka-sakaling mapasa ang Vape Bill.


Sinabi pa ni Vergeire na mahalagang suportahan sila ng mga sektor at advocates sa kanilang adhikain laban sa Vape Bill.

Hiling ni Vergeire sa lahat ng sektor na masuportahan sila dahil napakaimportante ang Vape Bill na hindi maipasa dahil maapektuhan ang kalusugan ng mga kabataan.

Facebook Comments