DOH, hinihimok ang publiko na bawasan ang pag-inom ng alak

Hinihimok ng Department of Health (DOH) ang publiko lalo na kung maaari ay bawasan o itigil na ang pag-inom ng alak.

Ito’y matapos na makapagtala ng 27,000 alcohol-related deaths sa buong bansa.

Sa naging pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa, itinuturing niya na banta sa kalusugan ng publiko ang pag-inom ng alak kung saan kahit konti ang inumin maaari pa rin malagay sa panganib ang umiinom nito.


Karamihan sa mga namamatay at napapahamak ay mga driver na madalas na nakainom na alak.

Base pa sa datos, nasa 12,000 road users ang nasawi kada taon sa Metro Manila lamang bunsod ng aksidente, banggaan at nasasagasaan dahil sa kalasingan.

Nabatid na ang nasabing datos ay mula sa Metro Manila Accident Recording and Analysis System ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula 2005 hanggang 2020.

Giit ni Herbosa, kinakailangan magpatupad na ng mahigpit na regulasyon kung saan suportahan at tulungan ang mga indibidwal na nakakaranas ng alcohol addiction.

Facebook Comments