DOH, hinihintay ang NBI report ukol sa ilegal na bentahan ng COVID-19 vaccines

Umaasa ang Department of Health (DOH) na makakapagbigay ang National Bureau of Investigation (NBI) ng report ngayong araw ukol sa mga nangyayaring bentahan ng COVID-19 vaccines.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi muna nila pangugunahan ang imbestigasyon ng NBI at ng mga awtoridad.

Mahalaga aniyang hintayin ang resulta.


Ang mga mapapatunayang nagbebenta ng COVID-19 vaccines ay mahaharap sa kasong kriminal.

Facebook Comments