DOH, hinihintay ang paliwanag ng AstraZeneca hinggil sa trial results

Hinihintay na lamang ng Department of Health (DOH) ang paliwanag mula sa AstraZeneca hinggil sa mga naiulat na errors sa trials ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Nabatid na inanunsyo ng AstraZeneca na nakamit nila ang 90% efficacy rate laban sa COVID-19 pero inamin din nila na nagkaroon ng errors sa kasagsagan ng trials.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, responsibilidad ng pharmaceutical firm na maglabas ng official statement hinggil dito.


Ang AstraZeneca ay naghain ng application para magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccines.

Facebook Comments