DOH, hinihintay na lamang ang rekomendasyon ng PRC hinggil sa COVID-19 saliva test

Hinihintay na lamang ng Department of Health (DOH) na matapos ang rekomendasyon ng Philippine Red Cross (PRC) kaugnay sa isinasagawang COVID-19 saliva test.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, tinatapos pa ng mga laboratory expert ang nasabing rekomendasyon para mabuo ang pag-aaral.

Pero sa oras na makumpleto na ito, posibleng sa Lunes ay susuriin na ng DOH ang COVID-19 saliva test para malaman kung papayagan ang malawakang paggamit nito.


Matatandaang nitong Martes nang simulan ng PRC ang pagsasagawa ng saliva test sa pagdedetermina kung may COVID-19 ang isang pasyente.

Ang saliva test ay mas mabilis, madali at mas mura kumpara sa swab test ayon sa PRC.

Facebook Comments