Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na alagaan ang kanilang mental health dahil nananatili pa ring hamon ang COVID-19 pandemic sa buhay ng mga tao.
Ayon kay Frances Prescilla Cuevas, Chief Health Program officer ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, lumalabas sa mga pag-aaral, ang mga tao ay makakaranas ng mataas na stree levels at anxiety ngayong panahon ng pandemya.
Aniya, takot ang mga tao sa mga nangyayari at hindi inaasahan ang kung ano pa ang mangyayari.
Payo ni Cuevas sa publiko na batanyan ang kanilang mga miyembro ng pamilya na nakakaranas ng ilang “unusual behaviors” tulad ng mahabang oras na pagtulog at activity withdrawal.
Importante rin aniyang kausapin ang mga miyembro ng pamilyang nakakaranas ng mental health problem.
Hinikayat ng DOH ang publiko na tumawag sa National Center for Mental Health (NCMH) sa kanilang hotline na 1553, 0917-899-8727, 0966-351-4518, at 0908-639-2672.