DOH, hinikayat ang publiko na huwag tangkilikin ang ‘black market’ ng COVID-19 vaccine

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag tangkilikin ang ‘underground’ vaccination laban sa COVID-19 dahil mas maaaring nakakamatay ito kumpara mismo sa sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, wala pang rehistradong COVID-19 vaccine sa bansa.

Bukod dito, wala pang pharmaceutical company ang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) para gamitin ang bakuna sa bansa.


Iginiit ng kalihim na ang lahat ng bakunang hindi dadaan sa regulatory process ay illegal.

Hinimok din ni Duque ang publiko na isumbong ang sinumang indibiduwal o grupong nag-aalok ng COVID-19 vaccine.

Dagdag pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, delikado na magpabakuna o uminom ng gamot na hindi pa rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) dahil hindi magagarantiya ang bisa at kaligtasan nito.

Facebook Comments