DOH, hinikayat ang publiko na isumbong ang sinumanng nagbebenta ng COVID-19 vaccine slot

Nanawagan ang Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) sa publiko na isumbong ang mga taong nagbebenta ng COVID-19 vaccine slots.

Ayon kay DOH-NCR Director Dr. Gloria Balboa, ang COVID-19 vaccines na ginagamit sa vaccination sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay hindi ibinebenta.

Mahalagang i-report ang sinumang gumagawa nito para sila ay patawan ng karampatang parusa.


Nabatid na lumutang ang online selling ng vaccine slots sa ilang siyudad sa Metro Manila, kung saan ang bawat slot ay ibinebenta sa pagitan ng ₱12,000 hanggang ₱15,000.

Nakikipagtulungan na ang DOH sa mga local government units para sa isinasagawang imbestigasyon.

Pagtitiyak ng DOH na ang mga bakunang ipinadala sa iba’t ibang vaccination centers sa bansa ay ligtas at epektibo lalo na at dumaan ito sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito aprubahan na magamit.

Hinikayat ng DOH ang publiko na tanggapin ang mga bakunang available para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.

Facebook Comments