DOH, hinikayat ang publiko na kumain ng ‘iodine-rich’ foods

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na gamitin ang iodized salt sa kanilang pagkain.

Ito ay para maiwasan ang thyroid disorders tulad ng goiter.

Ayon sa DOH, ang kakulangan ng bitaminang ‘iodine’ ay dahilan ng pagkakaroon ng goiter sa bansa.


Kaya payo ng DOH na gumamit ng iodized salts sa kanilang pagkain o kumain ng mga pagkaing sagana sa iodine tulad ng dairy products, seafoods, karne, tinapay at itlog.

Ang sensyales at sintomas ng pagkakaroon ng goiter ay depende kabilang sa mga ito ay mabilis mapagod, biglang pagtaas o pababa ng timbang, pagkawala o pagkaroon ng gana sa pagkain, depresyon, pagkatuyo ng balat at buhok, antukin, diarrhea o constipation at iregular na pagreregla (kapag sa mga babae).

Facebook Comments